(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Umaabot pa sa P5 milyong ang matatanggap ng sinumang informants na makapagbigay alam sa totoo na utak ng kremin patungkol pagkaslang sa panganay na anak lalaki ni 3rd termer Cagayan de Oro 1st District Rep Rolando ‘Klarex’ Uy dito sa syudad.
Ito ang matapos humabol ang sektor ng mga negosyante na nag-ambag ambag upang maabot ang isang milyong piso para idagdag ng apat na milyon na una nang inilaan ni City Mayor Oscar Moreno at mismong pamilya Uy para sa ikalulutas sa pagbaril-patay ng biktima na si Carmen Barangay Kagawad Roland Sherwin ‘Tawee’ Uy nitong lungsod hinggit isang linggo na ang nakalipas.
Kaugnay nito,nagpaabot pasalamat naman si Cong Klarex na maging ang kasama niya sa business sector ay naghayag ng suporta para agad ma-resolba ang kremin.
Una nang nagbigay ng tig-dalawang milyong piso ang city government at pamilya Uy para sa makapagturo sa pinakautak ng kremin maging sa ginamit na motorcyle in tandem suspects para mabigyang hustisya ang biktima at ang caretaker nito na sinama pagpatay.
Magugunitang nangyari pa ang pagbaril ng mga biktima habang nasa kasagsagan ng mainit na talakayang politika gamit ang ilang paid radio programs na umatake sa kongresista na tumatakbo pagka-mayor sa 2022 elections.
Ito ang dahilan na unang lumutang na politika ang motibo ng kremin subalit sa nagpapatuloy rin na imbestigasyon ng pulisya ay lumalabas na matinding bangayan ng quarry business ang pinakamalapit na dahilan.