Nakatakdang maglabas ang Department of Labor (DOLE) ng one-time financial assistance na P5,000 para sa lahat ng mga mangagawang hindi makapagtrabaho dahil sa enhanced community lockdown sa Luzon simula ngayong Biyernes, Marso 20, 2020.

Sa isang panayam, sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello, lahat ng mga empleyado, anuman ang kanilang employment status ay sakop ng naturang financial assistance.

Pero nilinaw ni Bello na ang makakatanggap ng P5,000 one-time assistance na mga apektadong manggagawa ay ibabase sa payroll list na isinumite ng mga employers sa DOLE.

Binigyan diin din nito na ang Tulong Pangkabuhayan sa Displaced/Underprivileged Wokers (TUPAD) financial assistance program para sa mga informal workers ay inaasahan ding magsimula ngayong araw.

Sinabi ni Bello na mamamahagi ang mga empleyado ng cleaning solutions at personal protective equipment sa mga tao sa informal sector pera linisin at i-disinfect ang kanilang mga bahay.

Ang bayad sa mga ito ay ibabase sa minimum wage rate sa kanilang lugar.

Sakop dito ang lahat ng mga apektadong miyembro ng informal sector, kabilang na ang mga tricycle drivers, taxi drivers, street vendors, at ang mga naglalako sa lansangan na hindi makapagtrabaho sa ngayon dahil sa umiiral na enhanced community quarantine.