-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Aprubado na ng Office of the President ang P5-bilyong karagdagang pondo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) .

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay OWWA Administrator Atty. Hans Leo Cacdac ang naturang pondo ay gagamitin ng kanilang ahensiya hanggang buwan ng Setyembre.

Bahagi nito ay ibabayad na 800 million pesos na pagkaka-utang ng ahensiya.

Maliban dito ay pasado na rin sa kamara ang Bayanihan 3 kung saan nakapaloob ang pondo ng DOLE AKAP kaya inaasahang ang muling pagpapatuloy ng pamamahagi ng tulong pinansaiyal na nagkakahalaga ng P10,000.00 sa mga OFW na nawalan ng hanapbuhay.