Aprubado na ang S100,000,000 loan ng Pilipinas sa World Bank, bilang parte ng pagkukunan para sa COVID-19 response ng pamahalaan.
Katumbas ito ng P5 billion para sa local currency.
Una nang sinabi ng Inter Agency Task Force na ilalaan ang dagdag na pondo para palakasin ang pwersa ng frontliners at ang pagsusuri sa mga suspected patients sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Maliban dito, may hiwalay na loan din ang bansa sa Asian Development Bank (ADB) at International Monetary Fund (IMF).
Maliban sa Pilipinas, nakapila rin ang iba pang mga bansa para sa kanilang kinakailangang tulong.
India – $1.0-B para mapalawak ang laboratory capacity
Equador – $20-M para makabili ng medical supplies
Paraguay – $20-M pagpapalakas ng kanilang early detection tools
Mongolia – $27-M para sanayin ang emergency care workers
Sri Lanka – $128-M para magamot ang mga pasyente at mabigyan ng pagsasanay ang kanilang mga tauhan
Argentina – $35-M para maprotektahan ang healthcare personnel