-- Advertisements --

Tinanggal na ng Manila Electric Company (Meralco) ang P47 convenience fee na ipinataw nito sa mga customer na nagbabayad ng bill sa pamamagitan ng kanilang online application.

Sa isang panayam sinabi ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, na ang pagbawi nila sa nasabing dagdag bayad ay bunsod nang sulat ng Department of Energy na kumwestyon dito.

Pati na rin ang pag-alma ng publiko sa naturang convenience fee.

Nangako ang tagapagsalita na makakatanggap ng refund ang mga customer na nakapag-bayad na ng dagdag singil.

Ang Meralco na rin daw mismo ang magbabayad sa third party provider na pinupuntahan ng convenience fee.

Ang mga third party provider na tinutukoy ng kompanya ay yung mga online payment channels na dinadaanan ng transaksyon tulad ng kompanyang PayMaya.