LA UNION – Muling binalaan ng Department of Trade and Industry (DTI) – Regional Office 1 ang mga negosyante na huwag magbenta ng mga uncertified products para mapangalagaan ng kaligtasan ng mga mamimili.
Ito ay kasunod nang pagsira ng mahigit P400,000 halaga ng mga nakumpiskang Christmas lights, steel bar at iba pang uncertified products sa sanitary landfill sa lungsod ng San Fernando, La Union. bombilya, pipes, lighter, adhesive tapes.
Sinabi ni DTI Regional Office-1 Director Grace Baluyan, hindi pumasa sa nakatakdang standards ng ahensya ang mga nasabing produkto at napatunayan na may mga nalabag din mga nagmamay-ari ng mga ito sa Fair Trade Laws.
Ayon kay Baluyan, ang pagsira sa mga nakumpiskang mga produkto ay magsisilbing babala sa mga negosyante na ayaw sumunod sa mga alintuntunin na pinapatupad ng tanggapan.
Kaninang umaga ay sabay-sabay na inilatag sa sanitary landfill ang mga naturang bagay at pinadagasaan ng pison upang hindi na mapakinabangan.