Ipapatupad na ang bagong arawang karagdagang sahod para sa mga minimum wage earners sa Central Luzon sa Hunyo 20.
Sa bisa ng Wage Order No. RBIII-23, nag-mamandato sa P40 dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa sa mga pribadong establishimento sa rehiyon.
Ayon kay Regional Tripartite Wages and Productivity Board-Central Luzon (RTWPB-3) chairperson at DOLE regional director Geraldine Panlilio, ibibigay sa dalawang tranches ang P40 wage increase.
Sa unang tranche, P30 ang ibibigay epektibo sa June 20 at karagdagang P10 epektibo sa Enero 1, 2023.
Sa ilalim ng bagong wage order, makakatanggap ng P450 basic pay kada araw ang mga manggagawa sa Central Luzon sa non-agriculture sector at establishimento na may mahigit 10 empleyado.
Habang nasa P443 naman ang basic pay bawat araw ng mga empleyado na nasa non-agriculture at establishments na mayroong mas mababa sa 10 manggagawa.
Sa agriculture sector naman nasa P420 para sa plantation workers at P404 basic pay kada araw para sa non-plantation workers.
Para naman sa retail o service actegory na may 10 o mahigit pa na empleyado, nasa P439 habang P425 naman para sa mga establishimento na mas mababa sa 10 emepleyado.
Sa probinsiya g Aurora, para sa non-agriculture category tataas saPHP399 ang sahod kada araw, sa agriculture sector nasa P372 hanggang P384 at sa retail at service establishments, makakatanggap ng P334 arawang sahod.
Sa mga kasambahay sa rehiyon makakatanggap ng monthlly increase na P5000 sa mga nasa chartered cities at 1st class municipalities habang PHP4,500 naman sa ibang municipalities.
Ang bagong wage hike adjustments saklaw ang wage earners sa mga probinsiya ng Pampanga, Tarlac, Bulacan, Zambales, Bataan at Nueva Ecija