Masusing binusisi ni Independent Minority at Albay Representative Edcel Lagman ang confidential at intelligence funds na P4.5 B ng Office of the President (OP).
Batay sa interpelasyon ni Rep. Lagman kay Navotas Representative Toby Tiangco na siyang sponsor sa budget ng Office of the President, tinanong ni Lagman si Tiangco kung may safeguards na ipinatutupad sa pag disburse ng nasabing pondo.
Batay sa pahayag ng COA na hindi maaring i-disclose ang ginastos dahil ang nature ng confidentiality ng nasabing pondo.
Sagot naman ni Tiangco na may mga disbursement na ginagawa ang Office of the President at may mga safeguards na ipinatupad para sa paggagamitan ng pondo.
Batay sa Joint Circular No. 2015-101 nuong Jan 8,2015 ng COA at DBM na anumang agency na nagrerequest ng Confidential and Intelligence funds ay dapat magsumite ng physical and financial plan na nag-justify sa request.
Ang confidential funds ng OP ay nasa P2.250-B at nasa P2.250-B naman para sa intelligence funds.
Binigyang-diin ni Lagman na ang P4.5 billion Confidential and Intelligence funds ng OP ay mas malaki sa proposed budget ng mga ahensiya ng gobyerno at departments gaya ng Comelec at ng Office of the Ombudsman.
Sa proposed 2023 General Approriations Bill may kabuuang mahigit P9.2 billion na confidential and intelligence funds sa budget ng ibat ibang ahensiya ng gobyerno, departments kabilang ang OP.
Batay sa datos ang AFP ay may intel funds na mahigit P1.2 billion, higit P800 -M sa PNP, P500-M sa PDEA, Deped P150-M at iba pa.
Dahil dito, umapela si Lagman sa Kamara na maging maingat sa pagbigay o pag allocate ng pondo para sa confidential at intel funds dahil marami pang mga ahensiya ng gobyerno ang walang pondo gaya nalang ng SPED program na zero budget, Libreng pasahe program, Cancer prevention and Treatment Program.
Nilinaw naman ni Tiangco na walang direct at exclusive control ang Pangulo sa confidential at intel funds ng ibat ibang government agencies and departments.