-- Advertisements --
drugs1

Aabot sa P4.2 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasabat ng PNP sa ikinasang buy-bust operation sa Taguig City.

Arestado naman ang apat na drug suspek na nakuhanan ng nasa 625 grams ng umano’y shabu.

Ayon kay Southern Police District Director BGen. Jimili Macaraeg ang apat na nahuling drug suspek na pawang mga high-value target matapos silang bentahan ng P43,000 halaga ng shabu sa Barangay Ligid-Tipas.

Nakumpiska umano ng mga pulis sa mga suspek ang pitong sachet ng ilegal na droga.

Kasama rin sa mga nakuha sa kanila ang boodle money at digital weighing scale.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga suspek.

Siniguro naman ni BGen. Macaraeg na lalo pa nilang palakasin ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga.