Naglaan ang Department of Agriculture (DA) ng P327 miliion halaga ng interventions para sa industriya ng sibuyas sa bansa upang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng naturang commodity at matugunan ang supply gap sa bansa.
Ayon sa Presidential Communications Office, nasa P240.575 million dito ay para sa pagtatayo ng pitong bagong cold storage facilities ng sibuyas.
Inaasahang mabebenipisyuhan ng bagong cold storage facilities ang mga onion growre sa lalawigan ng Pangasinan, Nueva Viscaya, Bataan at Occidental Mindoro.
Habang ang P69.949 million naman ang inilaan para sa onion production support services kabilang ang pagbibigay ng mga buto, seedlings at iba pang farm inputs at P6.486 million naman ang inilaan para sa farm production-related machinery at equipment distribution.
Naglaan din ng P2.359 million para sa production facilities at P2.5 million para sa postharvest at processing equipment.
Una rito, ilang mga local onion farmers ang nagpahayag ng pangamba sa posibleng pagkalugi dahil sa kompetisyon sa mas murang inangkat na mga sibuyas at sa pagtatakda ng pmahalaan sa P125 kada kilo sa suggested retail price ng sibuyas.