-- Advertisements --

(Update) Nag-ambagan ang mga mambabatas sa House of Representatives para makalikom ng pera bilang pabuya sa sinumang makapagtuturo at makakapagbigay ng impormasyon laban sa mga suspek na nasa likod sa pagpaslang kay AKO Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe.

Ito ang kinumpirma mismo ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo nang bumisita nitong araw ng Linggo sa burol ng mambabatas sa kaniyang hometown sa Daraga, Albay.

Ayon naman kay Rep. Alfredo Benitez, posibleng umabot ng P30 million ang ibibigay na pabuya kung saan mismong ang AKO Bicol ay nangako ng P15 million, P2 million naman mula sa provincial government ng Albay, at nasa tig-P30,000 ang ibinigay ng nasa 100 kongresista.

Dagdag ni Benitez, na posibleng tumaas pa ang nasabing reward money.