Inihahanda at hindi pa nagagamit ang P30 billion funds na nakatakdang i-reallocate mula sa Build, Build, Build program para gamitin sa COVDI-19 response ng pamahalaan.
Sinabi ni DPWH Sec. Mark Villar na tinutukoy pa nila ang mga non-priority projects kung saan maaring hugutin ang pondo para sa laban kontra COVID-19.
Nauna nang sinabi ni Villar na handa ang DPWH na mag-reallocate ng P30 billion mula sa infrastructure flagship program ng pamahalaan dahil sa krisis na kinakaharap ngayon ng bansa.
Tiniyak din ng kalihin na bibilisan at tapusin kaagad ang construction ng mga proyekto sa oras na matapos na ang enhanced community quarantine sa buong Luzon, na inaasahan sa darating na Abril 30.
Ayon kay Villar “minimal” lamang ang impact ng health crisis na ito pagdating sa infrastructure program.