-- Advertisements --
Nakukulangan ang ilang kongresista sa P3.85-billion 2020 budget ng Department of Tourism (DOT).
Sinabi nina Baguio City Rep. Mark Go at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na dahil malaki ang kontribusyon ng turismo sa gross domestic product (GDP), dapat taasan ang pondo ng DOT para sa susunod na taon.
Ayon kay Tourism Assistant Secretary Leila Rivera, nasa P4.3 bilyon ang una nang inihirit na budget pero binawasan ito ng Department of Budget and Management.
Dahil dito, nangako ang mga miyembro ng House appropriations committee na ibalik ang P800 million na binawas sa unang inihirit na pondo ng kagawaran. (featured article photo from DOT’s Facebook)