-- Advertisements --

Aabot na sa P3.6 billion ang kabuuang halaga na nailabas ng Department of Budget and Management (DBM) para sa partial payment ng Tertiary Education Subsidy (TES) ng mga student-beneficiaries na naka-enroll sa private higher education institutions (PHEs) para sa first semester ng Academic Year 2019-2020.

Sinabi ng Commission on Higher Education nitong araw na 120,000 students pa lang mula sa 404 PHEIs sa first semester ng academic year ang makakatanggap ng kanilang TES stipends.

Sa isang statement, sinabi ni CHED chairman Prospero de Vera III na inatasan na nila ang 404 PHEIs na ito na kaagad makipag-coordinate sa student-beneficiaries sa kung paano maipapahatid ang TES stipends na hindi malalabag ang quarantine protocols.

Ayon kay De Vera, patuloy na pangangasiwaan ng CHED ang pag-download ng TES grants sa mga qualified beneficiaires sa nalalabing PHEIs sa oras na mailabas na ng DBM ang pondo para rito.

Mababatid na P60,000 kada school year ang ibinibigay ng pamahalaan sa ilalim ng TES program nito sa mga mahihirap na estudyante na nag-aaral sa mga pribadong paaralan.

Alinsunod ito sa Republic Act No. 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act