-- Advertisements --

Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P3.41 billion na pondo para sa libreng tuition program ng pamahalaan na magbebenipisyo sa 70,000 Pilipinong mag-aaral.

Ito ay matapos aprubahan ni Budget Sec. Amenah Pangandaman ang special allotment release order na nagkakahalaga ng P3.41 billion sa Technical Education and Skills Development Authority ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Popondohn nito ang Universal Access to Quality Tertiary Education (UAQTE) para sa libre at subsidized na matrikula ng 74,262 estudyante sa kolehiyo,

Maliban sa tuition, saklaw din sa naturang pondo ang miscellaneous fees, accident insurance, trainee provision, internet allowance, starter tool kits, national assessment fees at iba pang school charges. (With reports from Bombo Everly Rico)