CEBU CITY – Aabot sa P3.2 million na halaga ng shabu ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 7 (PDEA-7) sa magkasunod na operasyon sa lalawigan ng Bohol.
Nahuli sa tulong ng PNP ang isang high-value-target na kinilalang si Renadette Manija sa isang operasyon sa Brgy. Poblacion II, sa lungsod ng Tagbilaran.
Nahulihan ang nasabing subject ng 150 grams ng pinaniniwalaang shabu at nagkakahalaga ito ng higit P1 million.
Kinalaunan, nakuhanan naman ng P850,000 na halaga ng shabu mula sa isa pang target na si Archie Intia Abad sa isang operasyon sa Brgy. Abucayan Norte, sa bayan ng Calape.
Nahuli naman ang isa pang high value target na si Camilo Ibay Malicse, 50-anyos, matapos itong nakuhanan ng P1.3 million na halaga ng shabu sa isa pang operasyon sa Brgy. Bool, Tagbilaran City.
Nahaharap ngayon ang tatlong mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act o RA 9165.