Tinatayang papalo sa P26 million ang halaga ng damage ang nai-report matapos sumiklab ang sunog sa bahagi ng mataas na gusali sa Mandaluyong City kahapon.
Ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region, nasa dalawang katao ang nasugatan sa naturang sunog at halos100 naman ang nailigtas.
Kabilang sa mga nasugatan sina Severino Dequina, 26 at Henry Florida, 44.
Sa ngayon, inaalam pa ang kung ano ang talagang pinag-ugatan ng naturang sunog.
Dakong alas-10:26 kahapon nang sumiklab ang sunog sa ika-24 na palapag na Mega Tower sa Barangay Wack Wack at idineklarang under control bandang ala-1:52 ng hapon.
Tuluyan naman itong idineklarang fire out dakong alas-3:50.
Una rito, sinabi ni Fire Superintendent Alberto de Baguio, Mandaluyong City Fire Marshall, na ilang katao ang naipit sa loob nang maganap ang insidente.
Ayon naman sa Philippine Air Force kabuuang 96 na sibilyan ang kanilang nailigtas.