-- Advertisements --

Naglaan ang gobyerno ng kabuuang P206.50 billion na pondo para sa pagbibigay ng ayuda sa ating mga kababayan sa proposed 2023 national budget sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin bunsod ng pandaigdigang inflation.

Kabilang dito ang cash transfers at iba pang subsidy programs mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyenro.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM) ang malaking porsyon ng naturang pondo na nasa P165.40 billion ay mapupunta Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa implementasyon ng iba’t ibang soial assistance programs nito habang ang P22.39 billion na pondo ay nakalaan para sa Medical Assistance to Indigent and Financially-Incapacitated Patients (MAIFIP) ng Department of Health (DOH).

Naglaan din ng ₱14.9 billion sa Department of Labor and Employment (DOLE) para mabigyan ng ayuda ang mga displaced workers habang ang Department of Transportation (DOTr) naman ay makakatanggap ng P2.5 billion para sa fuel subsudies para sa transportation sector.

Makakatanggap naman ng P1 billion ang Agriculture department para matulungan ang mga corn farmers at mangingisda sa gitna ng mataas na presyo ng langis.