BACOLOD CITY – Patuloy pang pinaghahanap ng mga otoridad ang mga suspek na naghold-up sa kolektor ng isang lending company sa Negros Occidental.

Aabot sa P205, 900 ang natangay ng dalawang suspek sa biktima na si Pedro Biarcal, 33-anyos ng Brgy. Olihao, Cauayan makaraang harangin ito ng dalawang suspek sa Brgy. Bantayan, Kabankalan City.

Nakilala naman ng biktima ang mga suspek sa pamamagitan ng mugshot at litrato ng Kabankalan City Police Station.

Nakilala ang mga holdupper na sina Alias Rolando Rocillo, 30 at Joecrey Andoque alias bukay, 50, na kapwa residente ng Brgy. Bantayan, Kabankalan City.

Sa ngayon ay patuloy ang paghahanap sa mga suspek at inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa mga ito.