Posible raw na ma-achieve ang pinangako ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na presyo ng kada kilo ng bigas na nasa P20 hanggang P30.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Philippines kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairman Rosendo So, kaya raw ng pamahalaan na maibaba ang bigas ng ganitong halaga basta’t mag-develop ang Philippine Rice Research Institute (Philrice) ng magandang klase ng binhi.
Paliwanag niya, sa ngayon daw kasi ay nasa average lamang na 4.2 tonelada o 4,200 na kilo ng bigas ang kayang i-produce ng isang ektaryang sakahan.
Kaya naman kailangan itong bilhin sa mga magsasaka ng mataas na presyo para hindi sila lugi.
Dahil dito, kapag naka-develop daw ang Philippine Rice Research Institute ng magandang klase ng binhi na kayang mag-produce ng nasa anim hanggang tonelada ng bigas kada ektarya ay puwede itong bilhin ng pamahalaan ng mas mababang presyo pero kikita pa rin ang mga magsasaka.
Ang 4.2 tons kasi ng palay kapag bibilhin ng P16 kada kilo ay papalo lamang ito sa P67,200 na siguradong ikalulugi ng ating mga magsasaka.