-- Advertisements --
Screenshot 2020 07 18 12 31 41

LEGAZPI CITY – Nagpatayo ang provincial government ng Masbate ng bagong quarantine facility na matutuluyan ng mga umuuwing locally stranded individuals (LSIs) sa lalawigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Masbate Provincial Health Officer Dr. Oscar Acuesta, halos patapos na sa ngayon ang construction ng pasilidad na nasa Milagros at nagkakahalaga ng P20 milyon.

Kayang ma-accomodate sa pasilidad ang nasa 30 mga LSI habang kompleto rin ang matutulugan, banyo, pagkain at iba pa.

Sa ngayon, nasa mahigit 20 na ang kabuuang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Masbate kung saan may mga naka-recover na rin.

Ayon kay Dr. Acuesta, pinakababantayan sa ngayon ang dalawang buntis na mula sa Balud at Batuan dahil sa posibilidad ng epekto ng COVID-19 sa bata sa sinapupunan.

Tiniyak naman ng opisyal na namomonitor ang COVID-19 patient at nasusunod din ang quarantine protocols kasabay ng pagbibigay ng pangunahing pangangailangan ng mga ito.