Aminado ang bagong talagang kalihim ng Department of Agriculture (DA) na si Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na hindi pa posibleng ngayon na maibaba ang presyo ng bigas sa ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong kampaniya na P20 kada kilo.
Subalit hangad pa rin aniya ng ahensiya na maibaba ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo. Ang problema aniya sa ngayon ay nasa 15 year high ang presyuhan ng bigas sa pandaigdigang merkado kayat hindi pa ito posible sa ngayon.
Sa kabila nito, sa direktiba ni Pangulong Marcos, naghahanda na aniya sila na gawin ang lahat ng kanilang makakaya para gawing abot-kaya ang bigas sa bansa.
Sinabi din ng kalihim na bukas itong makipagtulungan sa kasalukuyang mga opisyal ng DA sa gitna ng mga ulat na nagdemand ito ng courtesy resignation ng kasalukuyang mga undersecretary.