-- Advertisements --

Naniniwala ang ilang agricultural group na may posibilidad na mangyari ang mungkahi ni presumptive president Bongbong Marcos Jr na kayang bumaba pa sa P20.00 ang kada kilo ng bigas.

Sinabi ni Philippine Confederation of Grains Associations chairperson Joji Co na mangyayari lamang ito kapag magbigay ng subsidiya ang gobyerno.

Dapat lamang na ang mga bigas mula sa National Food Authority (NFA) ang ibenta sa ganoong presyo.

Kahit aniya mag-angkat pa tayo aniya sa mga bansa gaya ng Thailand, Vietnam, Cambodia at Myanmar ay hind matutupad ang nasabing mababang presyo.

Kapag walang subsidiya ang gobyerno ay tiyak na magrereklamo ang maraming mga magsasaka dahil sa mataas na kanilang ginastos sa pagtatanim ng palay.

Malabo rin aniya na bumaba sa P20 ang presyo ng kada kilo ng commercial rice dahil tiyak na may epekto ito sa mga iba’t-ibang sektor.