-- Advertisements --
PEZA industry manufacturing factory business

Nakalikom ang Pilipinas ng P20.6 billion halaga ng investment sa 5 araw na investment mission ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) kasama ang PH Trade and Investment Center-Taipei sa Taiwan.

Ayon sa PEZA, ang prospective projects ay nagmula sa 5 kompaniya na dumalo sa PH investment Forum sa Taiwan mula Oktubre 23 hanggang Oktubre 27.

Nasa 2 sa pinakamalaki at nangungunang investment ay target ang manufacturing ng sustainable packaging kung saan ipinanukala ng consortium ng mga kompaniya ng Japan at Taiwan na magbuhos ng P11.36 billion kapital para sa compostable packaging factory habang ang isa namang manufacturing at renewable energy firm ay gustong magtayo ng P7.95 billion pasilidad para sa vertical integration ng low carbon paper at eco-packaging gayundin mag-develop ng isang waste-to-energy plant.

May iba namang kompaniya na nais na mag-invest ng P681.85 million para sa expansion ng electronic manufacturing services (EMS) operation, at iba pang investments.

Ayon pa sa PEZA, nag-amag ang Taiwanese locators ng kabuuang P33.165 billion na investment na inaasahang makakalikha ng 38,481 na bagong trabaho para sa mga Pilipino at magsusuplay ng $529.716 million halaga ng exports mula sa PH.