-- Advertisements --

ROXAS CITY – Tinatayang P2.5 millon ang halaga ng mga assorted jewelries na ninakaw sa bahay ng anak ng dating gobernador sa Barangay Tanza, Roxas City.

Nagtaka ang negosyante na si Suzanne del Rosario Ignacio na sa kanilang pag-uwi ng mister ay nakitang nakabukas na ang main gate ng bahay at bukas na ang ilaw sa kanilang silid.

Sa pagpasok ng mag-asawa sa kanilang silid ay nagulat ito ng makitang bukas na ang safe box kung saan nakalagay ang kanyang alahas na nagkakahalaga ng P2.5 million.

Kabilang sa mga alahas na ninanaw ay ang hikaw, bracelet, dalawang mamahaling relo, singsing, kuwintas at iba pa.

Pinaniniwalaan na sinamantala ng magnanakaw ang pagkakataon na makapasok sa bahay at maisakatuparan ang plano, dahil nagkataon na may derby sa cockpit area na malapit sa bahay ng mag-asawang Ignacio.

Patuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga pulis para makilala ang suspek na nagnakaw ng mga alahas ni Ignacio.