Humingi ng P2 billion na supplemental budget ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa tuloy-tuloy na tulong sa mga displaced workers sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.
Sa liham kay Budget Secretary Wendell Avisado, sinabi ni Bello na kakailanganin ng DOLE ang emergency funds na kanilang hinihingi para matulungan ang mga manggagawa lalo na sa nalalapit na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Sinabi rin ni Bello na pinabibilisan na rin ng kagawaran ang implementation ng kanilang mga program tulad ng Coronavirus Adjustment Measures Program (CAMP) para sa mga displaced workers sa formal sector.
Sa ilalim ng kanilang proposal, 39 percent o P776.1 million ang inilalaan ng DOLE para sa Metro Manila, 15 percent o P298.5 million para sa Central Luzon, nine percen o P179.1 million para sa Calabarzon, eight percnt o P159.2 million para sa Western Visayas, two percent o P39.8 million para sa Northern Mindanao, at 27 percent o P537.3 million sa ibang mga lugar na nasa ilalim ng ECQ.