-- Advertisements --
Aabot sa mahigit P2.9 milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska ng mga kapulisan sa anim na lalaki at isang babae sa Taguig City.
Nakalagay sa 14 na sachet na may timbang na 433 gramo ang nasabing droga na nakumpiska sa Quiapo dos , Barangay Maharlika, Taguig City.
Kasamang naaresto ang target ng operasyon na si alyas Boy mula sa Jolo, Sulu na siyang nagsisilbing runner ng droga mula sa bigtime drug supplier.
Nahaharap na sa kaukulang kaso ang mga naarestong suspek.










