Hindi sapat ang ayudang matatanggap ng mga nasa transport sector mula sa pamahalaan sa harap ng tuloy-tuloy na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa pagdinig ng House Fuel Crisis Ad Hoc Committee, sinabi ni Committee on Economic Affairs chairman Sharon Garin na kulang ang P6,500 fuel subsidy na matatanggap ng mga nasa transport sector.
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Martin Delgra, kabuuang P2.5 billion ang inilalaan ng gobyerno para sa Pantawid Pasada Program.
Ito ay hahatiin para sa mahigit 160,000 na mga driver beneficiaries ng naturang programa.
Ayon kay Garin, hindi sustainable sa buong taon ang halagang ibibigay ng pamahalaan lalo pa at sa araw-araw ay aabot ng hanggang P3,000 ang ginagastos ng mga tsuper sa para sa kanilang gasolina.
Hindi rin nakakatulong aniya na mula noong 2018 ay hindi naman nagpatupad ng fare increase sa kabila nang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa nakalipas na mga taon,