-- Advertisements --

Aabot sa P2.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng kapulisan sa magkahiwalay na drug operations sa Caloocan City at Valenzuela.

Unang naaresto ang isang babae at isang lalaki sa Barangay Mainta, Valenzuela.

Nakuha sa dalawa ang 200 gramo ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng P1.36 milyon.

Tatlong kalalakihan din ang naaresto sa buy-bust operation sa Brgy. 86 Caloocan at Malinta, Valenzuela.

Ayons a PNP, nasa drug watchlists ang mga suspek.
Inihahanda na ng mga kapulisan ang kaso laban sa mga naarestong suspek.