-- Advertisements --

Nasa P16.4-bilyon na halaga ng ayuda para sa mga small business workers ang naipamahagi ng pamahalaan mula sa kabuuang pondo nito na P51-bilyon.

Ayon sa Department of Finance, umabot na sa nasabing halaga ang natanggap ng mga benepisyaryo, as of May 12.

Sa ilalim kasi ng Small Business Wage Subsidy (SBWS) program, 3.4-milyong manggagawa mula sa formal sector ang makakatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 ayuda.

Ang mga benepisyaryo raw ang galing sa 1.4-milyong mga negosyo sa bansa na napilitang mag-shutdown o mag-limita sa operasyon dahil sa lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.

May 160,000 employers daw ang nagsumite ng aplikasyon ayon sa Social Security System na kasali sa SBWS inter-agency task force.

“The SSS is currently processing them, but so far, the applications for around 2.94 million employees have been approved according to program criteria,” ani SSS presidente and CEO Aurora Ignacio.