-- Advertisements --
image 31

Naglaan ang pamahalaan ng P143 million mula sa pambansang pondo ngayong 2023 para sa implementasyon ng administrative order sa Air Passengers’ bill of rights para mabayaran ang mga pasahero sakaling magkaroon ng pagkaantala o kanselasyon ng kanilang flights.

Ito ay sa lig sa Joint Administrative order No.1 na inisyu noong 2012 ng dating Department of Transportation and Communications (DOTC) at Department of Trade and Industry (DTI).

Nakasaad sa naturang AO na sakaling magkansela ang air carrier ng flight dahil sa force majeure o dahil sa security reasons may karapatan ang pasahero na ma-reimburse ang kabuuang ibinayad na pamasahe.

Samantala ang P143 million na halagang ito ay mas mababa naman sa P660 million na compensation na sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda para sa 66,000 pasahero na naapektuhan ng air traffic system glitch dahilan ng pansamantalang pagkaparalisa ng operasyon ng ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong araw ng bagong taon.

Nauna ng sinabi ni Salceda ns siyang chair ng House Committee on Ways and Means, nasa tinatayang P10,000 ang conpensation sa bawat pasahero na naapektuhan ng nasabing insidente.