-- Advertisements --

CEBU CITY- Aabot sa halos P13-M worth ng marijuana plants ang nabunot ng PNP at PDEA-7 sa isang plantation sa Sitio Pulgason, Brgy. Langusig, lungsod ng Danao, probinsya ng Cebu.

Kasalukuyang hinahanap naman ngayon ng pulisya ang cultivitator ng lupang tinamnan ng mga marijuana na si Baristo Camaongay matapos nakatakas sa isinagawang operasyon.

Ayon sa hepe ng Danao PNP na si Police Lt. Col. Maribel Getigan na agad na nakadetect ang High Value Target (HVT) na si Camaongay sa presensya ng mga pulis kaya dali itong nakatakas.

Umabot sa 32,000 fully grown marijuana plants ang nabunot kung saan iilan sa mga ito ang nasa custody na ng PDEA at ang iba naman ang sinunog na.

Mahaharap naman sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang nakatakas na subject.