Nasabat ng mga ahente ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa mahigit P12 million halaga ng unmarked diesel sa ikinasang follow-up operation sa Mariveles, Bataan.
Sa isang statement, sinabi ng BOC na ang operasyon sa Seafront Shipyard at Port Terminal Services Corporation sa Barangay Lucanin Mariveles ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng lorry truck na naglalaman ng 40 kiloliters ng diesel.
Ayon sa BOC, ang naturang nasamsam na diesel ay nakatakda sanang ilagay sa mga barkong Meridian Cinco at MV Seaborne Cargo 7 na kasalukuyang sumasailalim sa repair services sa nasabing shipyard.
Base din sa mga nakalap na dokumento, napag-alaman na ang nakumpiskang 40 kiloliters ng diesel ay nagmula sa Cabtuan, Isabela.
Nagsagawa rin ng fuel markiing tesing sa samples ng diesel para matukoy ang presensiya ng fuel marker.
Natuklasan sa initial at confirmatory test result na walang presensiya ng fuel marker.
Bunsod nito, inisyuhan ng Warrant of Seizure and Detention ang mga operator ng lorry truck at trailer na naglalaman ng unmarked diesel dahil sapaglabag ng mga ito sa Customs Modernization and Tariff Act at DOF-BOC-BIR Joint Circular 001-2021.