DAGUPAN CITY – Nahaharap sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga ang apat na Chinese nationals matapos makuhanan ng P124 milyong halaga ng shabu sa operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Urdaneta, Pangasinan.

Kinilala ang mga naarestong dayuhan na sina Lu Jun, Zuo Sheng Li, Li Yu at Ye Ling.

Dalawang araw na nasa surveillance ng NBI ang mga dayuhan.

Unang naaresto si Lu Jun na nakuhanan ng 10 pakete ng shabu.

Sa bisa ng search warrants isinagawa ng NBI agents ang operasyon sa tatlo pang kasabwat ni Lu Jun.