Umaabot sa P12.3 million ang halaga ang iniwang pinsala sa sektor ng agrikultura mula sa pananalasa ng nagdaang bagyong Amang sa Bicol region ayon sa Department of Agriculture (DA).
Iniulat partikular ni DA officer-in-charge for Field Operations Service U-Nichols Manalo na pinakamalaking bulto ng nasira ay bigas na nasa halos P8 million kung saan karamihan sa nasirang rice fields ay mayroon pa lamang seedlings dahil kasisimula pa lamang ng pagtatanim para sa wet cropping season.
Sinundan ito ng high value crops na nasa P4 million at nakapagtala rin ng kaunting pinsala sa livestock at poultry.
Nagtamo ng matinding pinsala sa agrikultura ang mga lugar sa Camarines Sur at Sorsogon.
Sa kabila nito, sinabi ng DA official na kaya pang mabawi ang nawala sa sektor ng agrikultura dahil mataas pa rin ang produksiyon sa Bicol region dahil kasisimula pa lamang ng wet cropping season.