-- Advertisements --

Aabot sa P108- milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa anti-drug buy bust operations sa West Rembo, Makati City.

Nakuha sa dalawang suspek ang 16 na kilo ng droga.

Isinilid pa ng mga suspek ang droga sa isang maleta at nakalagay pa sa isang Chinese herbal tea para hindi mahalata.

Ayon kay Makati City police chief Col. Harold Depositar na sumakay pa ang poseur buyer sa sasakyan ng mga suspek bago ito hinarang ng mga kapulisan makalipas ang ilang minuto.

Nagtungo rin sa lugar kagabi si PNP chief Gen. Debold Sinas kung saan kinumpirma nito na kabilang ang mga suspek sa malaking grupo na nagsusuplay ng iligal na droga.

Inihahanda na ng mga kapulisan ang kaso laban sa mga naarestong suspek.