-- Advertisements --
image 75

Nakatanggap ng P105,131,285.14 ang mga apektado ng shear line rain, sa ilang rehiyon mula noong Christmas weekend.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga nabigyan ng tulong ang Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, at Caraga Regions.

Ang tulong ay binubuo ng family food packs, emergency shelters, hygiene kit, blanket, bottled water, at iba pang relief items.

May kabuuang 681,500 katao o 170,978 pamilya naman sa 1,133 barangay ang naging apektado ng shear line.

Sa mga naapektuhan, 16,300 indibidwal o 4,711 pamilya ang nanatili sa 100 evacuation centers; habang 40,918 katao, o 10,909 pamilya, ang sumilong sa ibang lugar.

Samantala ang bilang ng mga nasawi ay nanatili sa 52, kung saan 13 ang nakumpirma, kasama na riot ang 39 na iba.

Mayroon ding 18 katao ang naiulat na nawawala, habang 16 naman ang nasugatan.

Dagdag pa ng ahensya umabot sa P325,279,850.12 ang pinsala sa agrikultura na umabot sa P2,050,000 ang halaga. (Bombo Chill Emprido)