-- Advertisements --

PDEG1

Hawak na ng PNP (Philippine National Police) at PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) ang isang Chinese drug suspect na nadakip sa ikinasang anti-illegal drug operations sa Malate, Manila.

Kinilala ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang Chinese national na si CHEN ZHINZUN/Yu Sison Tabuen “a.k.a” Ryan/ Chen, nakatira sa Unit 1605, Royal Plaza Twin Tower, Remedios Street, Malate, Manila.

Nakuha sa kanyang posisyon ang P102 million halaga ng iligal na droga para sa 15 kilo ng hinihinalaang shabu.

Ayon kay Eleazar, isisilbi sana ng pinagsanib na puwersa ng PNP-Drug Enforcement Group, PDEA, PNP, Armed Forces of the Philippines, Task Force NOAH, National Intelligence Coordinating Agency, at Manila City Hall SMART, ang search warrant na inisyu ni 2nd Vice Executive Judge Carolina Icasiano-Sison ng Regional Trial Court Branch 18 laban sa suspek.

Ang suspek aniya ay kilalang distributor ng illegal drugs sa National Capital Region at karatig rehiyon.

PDEG2

Naaresto na rin ito sa ikinasang buy bust operation nitong June 13 sa isang parking lot sa Paranaque City.

Binigyang-diin ni PNP Chief, ang pagkakahuli sa Chiniese drug suspect ay babala para sa iba pang foreign nationals na sangkot sa pagbebenta ng illegal drugs.

Siniguro ni Eleazar, mas lalo pang palalakasin ng PNP ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga sa pakikipagtulungan sa PDEA hanggang sa makamit ng bansa ang pagiging “drug free.”