Magbibigay ng P100,000 pabuya San Jose del Monte City, Bulacan Mayor Arthur Robes makapagtuturo sa kung sino ang nasa likod nang pagpaslang sa dalawang bata sa nasabing lungsod.
Bukod sa naturang pabuya, ang lokal na pamahalaan din ang sasagot sa gastusin sa burol at libing ng mga biktima.
Nabatid na ang dalawang biktima ay isang walong taong gulang na lalaki at 11-anyos na babae, na nawala noong hapon ng Mayo 11.
Natagpuang duguan at wala ng buhay sa masukal na bahagi ng Barangay Graceville ng nabanggit na lungsod ang dalawang biktima na mayroong sugat sa mukha at ibang parte ng katawan ang mga biktima.
Hinala naman ng pulisya ginasaha muna ang babae dahil ayon kay Police Major Julius Alvaro, hepe ng San Jose del Monte City PNP walang suot na pang ibaba ang biktima nang matagpuan.
Sa ngayon, mayroon nang lead ang pulisya sa kung sino ang suspek sa krimen.










