Maaaring makakuha ang mga tsuper at opereytor ng dyip at UV Express vans ng P10 kada litrong fuel subsidy sa 52 gasolinahan sa Metro Manila.
Sa ilalim ng fuel subsidy program, maaaring makakuha ang kwalipikadong PUV operators ng P10 diskwento kada litro ng diesel, o maximum na 150 litro kada linggo, na katumbas ng P1,500 na lingguhang subsidiya.
Kailangan lamang magtungo ng mga tsuper at opereytor ng dyip at UV Express vans sa accredited na gasolinahan para makakuha ng diskwento. Hindi na kailangan ng fuel subsidy card o hiwalay na aplikasyon, kailangan lamang suriin ng facility personnel ang license plate ng sasakyan, kung ito ay kwalipikado.
Ang mga gasolinahan na accredited sa fuel subsidy program ay matatagpuan sa A. Bonifacio Avenue, Commonwealth ave., Marcos Highway, Quezon ave.-Espana Boulevard, Rizal ave. (Monumento-Carriedo), at Zapote Road.
Nitong Martes, sinimulan ng gobyerno ang pag-rolyo ng diskwento para sa mga pampublikong dyip at UV Express vans sa rehiyon.
















