-- Advertisements --

Nasa P10 billion na pondo ang inilaan ng national government para tugunan ang problema ng malnutrion sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni Department of Health OIC Secretary Maria Rosario Vergeire.

Ayon kay Secretary Vergeire, ang nasabing pondo ay inutang o ni-loan ng gobyerno sa World Bank.

Makakatuwang ng Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSDW) sa pagpapatupad sa nasabing proyekto.

Ayon kay Secretary Vergeire ang nasabing programa ay isang whole of government approach, layon nito tukuyin ang mga sanhi ng malnutrition sa bansa ng sa gayon makabuo ng mga panuntunan para mapataas ang antas ng nutrisyon sa ating bansa.

Pinangunahan ni Pang. Bongbong Marcos Jr ang paglulunsad ng Philippine Multi-Sectoral Nutrition Project.

Naniniwala ang Pangulo na ang nasabing proyekto ay isang strategic intervention ng gobyerno kung saan gagamitan ng multi-sectoral community participation approach na isang epektibong hakbang para tugunan ang problema sa malnutrition.

Nagsanib pwersa ang DOH at DSWD para tutukan ang problema sa malnutrition sa ating bansa.

Ang nasabing PMNP ay isang four-year project na susuporta sa gobyerno sa pag-adopt ng isang malinaw na multi sectoral nutrition approach na ipatutupad sa ibat ibang local government units sa buong bansa.

Target matulungan sa nasabing proyekto ang mga buntis at lactating women, household with stunted children, mga bata 2 years to below 5 years at mga adolescent girls.

Ang mga LGUs na kabilang sa PMNP project ay makakatanggap ng packages.

Pinasalamatan naman ng Pangulo ang World Bank na siyang nagbigay ng loan o tulong pinansiyal para maging ganap ang pagpapatupad sa nasabing programa.