-- Advertisements --
image 333

Iniulat ng PNP drug enforcement group na aabot sa PHP10.3 million na halaga ng ilegal na droga ang kanilang nasabat sa loob lamang ng isang linggo.

Ito ay matapos ang kanilang ikinasang pitong araw na simultaneous anti-criminality law enforcement operations mula noong Abril 18 hanggang 23.

Sa ulat ni PDEG director PBGEN Faro Antonio Olaguera, nasa 25 law enforcement operations ang ikinasa ng kanilang hanay kabilang na ang apat na buy-bust operations.

Aniya mula rito ay aabot sa 19 na mga operasyon ang kanilang sinilbihan ng search warrant, at isang search warrant na magresulta naman sa pagkakaaresto ng nasa 24 suspect at pagkakasabat ng isang armas.

Mula aniya sa mga operasyong ito ay nakumpiska ng mga otoridad ang aabot sa 56 grams ng shabu, 50,000 piraso ng marijuana plants, na mayroong tinatayang street value na aabot sa PHP10,380,800 na halaga.

Ngunit sa kabila nito ay wala namang naitalang patay mula sa naturang engkwentro, at nagpapakita lamang aniya ito na ang PDEG ay nagsasagawa ng patas, komprehensibo, at balanseng anti-ilegal drugs strategy na patunay lamang ito na tumatalima ang kapulisan laban sa pagsugpo sa ilegal na droga.

Dahil dito ay nagpaabot ng pagbati si Olaguera sa mga operatiba na nananatiling tapat sa kanilang pangako na walang humpay na pagtataguyod upang mahuli ang mga high value individuals na sangkot sa trafficking at pamamahagi ng mga ipinagbabawal na gamot sa pilipinas.