Target ng Department of Transportation (DOTr) na makumpleto ang P1 trillion halaga ng konstruksiyon at rehabilitation projects kabilang ang regional airports sa buong bansa sa susunod na taon.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, tinitignan na ng kagawaran ang pagpapataas pa ng kapasidad ng airport terminal buolding at pagpapaganda ng airport facilities sa pamamagitan ng teknolohiya.
Ilan sa mga proyekto na ito ay ang Antique Airport, Bacolod-Silay Airport, Catbalogan Airport,Davao International Airport, M’Land Airport, Ozamis Airport, San Vicente Airport, Sanga Sanga Airport sa Tawi-Tawi, Tacloban Airport, at ang Tuguegarao Airport.
Saad pa ni Bautista na nasa 10 regional airports ang pinplano na i-upgrade, palawakin pa at pamahalaan sailalim ng public-private partnership scheme.
Kabilang dito ang mga paliparan sa Bacolod, Bicol, Bohol, Busuanga, Davao, Iloilo, Kalibo, Laguindingan, Puerto Princesa, at Siargao.
Nakatakda ring ipatayo ang apat na bagong regional airports sa Dumaguete, Masbate, Siargao, at Zamboanga.