-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nakatakdang magpulong sa virtual meeting ang mga board of directors ng Philippine Charity Swepstakes Office (PCSO) hinggil sa P1-billion na asistensya na ipapaabot sa gitna ng krisis sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dahil non-operational ang lahat ng revenue generating schemes ng PCSO, tinitimbang din ang ilalaang pondo.

Pinoprotektahan din aniya ang mga empleyado at publiko sa banta na dala ng naturang virus kaya mapanganib kung magpapatuloy ang operasyon ng mga lotto outlets at small town lottery.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PCSO Board Member Sandra Cam, una nang naaprubahan ang P492 million na tulong ng ahensya para sa mga apektado.

Nais aniya ng PCSO na makapag-abot ng tulong lalo na hindi mabatid kung sino ang susunod na tatamaan.