Pumalo sa halos 10,000 na magsasaka raw ang nag-avail sa pautang sa pamamagitan ng state-run Land Bank of the Philippines.
Sinabi ng naturang bangko na nasa P1.51 billion na halaga ng loans sa mga rice farmers sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (ERCA-RCEF) ang inilabas na kahapon.
Sa statement, nasa kabuuang 9,126 rice farmers at cooperatives ang nagpalawig ng kanilang loan hanggang noong Marso 31, 2022 sa pamamagitan ng ERCA-RCEF.
Naipatupad ang naturang programa sa pamamagitan ng partnership nito sa Department of Agriculture (DA).
Sinabi naman ng bangko na fully disbursed na ang allocated program fund mula noong 2019 hanggang 2021.
Layon ng naturang programa na matulungan ang mga small rice farmers dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng palay at ang mga pagsubok na kanilang kinahaharap dahil pa rin sa pandemic.
Karamihan daw sa mga benepisaryo ay ang mga magsasaka mula sa rice-producing provinces sa Region 2, partikular sa Cagayan, Nueva Vizcaya at Quirino.
Habang ang state-run lender ay natulungan namang alalayan ang 4,189 individual rice farmers at 28 cooperatives.