-- Advertisements --
image 504

Nasamsam ang tinatayang nasa 200 kilo ng shabu na nakabalot pa sa pakete ng tsaa sa isang kotse na naka-park sa isang mall sa Mabalacat, Pampanga.

Ayon sa mg awtoridad napag-alaman na ang naturang kotse ay anim na araw nang naka-park sa nasabing mall. Nakita rin mismo sa side mirror ng kotse ang nakadikit na susi rason kaya nabuksan ito.

Ayon sa hepe ng Task Force Against Illegal Drugs ng National Bureau of Investigation na si Atty. Ross Jonathan Galicia, aabot sa P1.4 bilyon ang halaga ng droga.

Giit ni Galicia, pinaniniwalaang ibabyahe pa lang sa Metro Manila ang naturang droga. Aniya pa, ikukumpara ang mga bagong nakumpiskang droga sa mga dati nang nakumpiska para matuklasan kung saan ito nagmula.

Susuriin din ang mga CCTV footage para matukoy kung sino ang posibleng nag-iwan ng sasakyan.