ILOILO CITY – Tinatayang aabot sa may P1.3 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad mula sa isang drug suspect na kanilang naaresto sa buy-bust operation na ikinasa sa Brgy. Taal, Molo, Iloilo City.
Ang arestado ay si Res Leonardo, 46, residente ng Zone 2 , Brgy. Tanza Esperanza, lloilo City Proper at isang ex-convict.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Col. Marc Anthony Darroca, chief ng Regional Police Drug Enforcement Unit VI, sinabi nito na si Leonardo ay dati nang nakulong sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City dahil sa kasong homicide.
Kabilang rin siya sa mga natokhang sa kanilang lugar sa kasagsagan ng drug war campaign ng Duterte administration
Ayon kay Darroca, inaalam pa nila ang koneksyon ni Leonardo sa drug personality na si Jovern Abantao alyas Jovan na sa ngayon ay nakakulong sa New Bilibid Prison.
Malaki anya ang paniniwala ng mga otoridad na sa New Bilibid Prison nangyayari ang transaksyon at ang mga downline sa Western Visayas ang nagbibigay ng droga.