Agad na itinurn over ng PNP sa pamilya ng kidnap victim na si Francis Maulion ang halaga ng ransom na nabawi ng PNP AKG

Kumpleto ang P1.2 million na naibalik sa pamilya Maulion na tinanggap ng kaniyang mga magulang mula kay PNP chief police Director General Ronald dela Rosa.

Nabigatan pa si Dela Rosa sa pagbitbit nito dahil may kasama pang mga barya na nakalagay sa itim na plastic shopping bag

Ang halagang ito ay pangalawa na sa ransom na binayaran ng pamilya

Nauna na silang nagbigay ng P1.4 million noong buwan ng Enero ngunit hindi pa rin pinalaya ang biktima

Paglilinaw naman ni PSSupt Glen Dumlao na nagpapatuloy pa ang kanilang follow up operation sa kaso dahil sa compartmentalized ang grupo

Iba ang dumukot, iba ang negotiatior sa ransom, iba ang nagbabantay sa kidnap victim at iba din ang kumuha ng ransom money.