-- Advertisements --

Aabot na sa P1.1 milyon ang reward para sa ikadadakip ng suspek na pumatay sa isang graduating college student sa Dasmarinas, Cavite.

Ang nasabing reward money ay inialok ni Cavite Governor Jonvic Remulla at Senator Bong Revilla.

Magugunitang natagpuang tadtad saksak ang 24-anyos na biktimang si Queen Leanne Daguinsin sa kaniyang kuwarto sa dormitory building ng Barangay Santa Fe nitong Martes.

Base sa imbestigasyon ng kapulisan na nagtamo ang biktima ng 14 na saksak sa iba’t-ibang parte ng kaniyang katawan.

Walang indikasyon na ito ay ginahasa at malinaw na pagnanakaw lamang ang motibo dahil sa nawala ang ilang mga kagamitan at pera ng biktima.