-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Budget and Management (DBM) na kanila ng inilabas ang pondo na nasa mahigit P1.1 billion rice assistance para sa mga kawani ng pamahalaan na nagtatrabaho sa national government.

Batay sa datos, nasa 1,892, 648 na mga empleyado ng gobyerno ang makikinabang sa naturang
one-time rice assistance.

Kabilang dito ang Job Order at Contract of Service personnel o COS.

Saklaw ng benepisyong pabigas ang mga empleyadong nasa government service pa nang November 2022.

Ang one time rice assistance ay pinagtibay Ng nilagdaang Administrative Order No. 2 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr kung saan dito ay mabibiyayaan ng kalahating kabang bigas o 25 kilos ng bigas ang mga qualified government employees.

Ayon kay DBM Sec Amenah Pangandaman mahigpit ang direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na tiyakin ang kapakanan ng mga government workers at ang minsanang ayudang pabigas ay makakatulong kahit paano sa household needs Ng mga manggagawa sa gobyerno.

Samantala, ibinahagi ni Sec Pangandaman sa isinagawang Philippine Economic forum na ginanap sa Washington ang ilamg mga budget priorities ng bansa.

Isa na dito, tinaasan ng gobyerno ang pondo ngayong taonnsa sektor ng agrikultura at agrarian reform na nasa 29% na nasa P186.4 Billion o katumbas ng $3.36 Billion.

Layon nito na magkaroon ng sapat na pagkain at makamit ang food efficiency at security.

Dagdag pa ni Pangandaman mataas din ang pondo na inilaan ng gobyerno sa healthcare sector at major social programs.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga economic managers ng bansa na pag usapan ang investment opportunities sa Pilipinas kasama ang Semiconductor Industry Association (SIA) Senior Global Policy Manager Vice President for Government Affairs David Isaacs and Senior Global Policy Manager Jennifer Meng.

Naganap ang pulong sa Washington, D. C. Matapos ang Philippine Economic Briefing na nagsisilbing plataporma para sa Economic Team na makakuha ng input ng SIA kung paano gagawing mas kaakit-akit at kaaya-aya ang bansa sa mga semiconductor investor.

Kinakatawan ng SIA ang 99% ng industriya ng semiconductor ng US sa pamamagitan ng kita at naging isa sa mga nangungunang industriya ng pag-export ng America, at isang pangunahing driver ng lakas ng ekonomiya ng America mula noong 1977.